Pagbebenta ng mga sanggol, patagong nangyayari sa social media
rice: P10,000 - P50,000
Meet up sa Mall
Reason for Selling: Kahirapan
Product: NEW BORN BABY
BABIES4SALE.PH
The Atom Araullo Specials
Sa madidilim na sulok ng social networking sites, may patago pero garapalang nagaganap na bentahan. Hindi ng beauty products, rubber shoes, damit o cellphone --- bentahan ng mga sanggol!
Inimbestigahan ni Atom Araullo ang ilang nagpapakilalang Adoption Pages sa Facebook. Dito niya nakilala ang 20 anyos na si Christine, hindi nito tunay na pangalan, isang B-Mom o Birth Mom, tawag sa naghahanap ng buyer ng kanyang baby. Ayon kay Christine, handa siyang “ipaampon” ang kanyang 2-month old na supling sa halagang P35,000. Iniwan na raw kasi siya ng ama nito at wala siyang pambuhay sa kanilang anak.
Sa gitna nang pagpo-produce ng Special Report, natiktikan na rin pala ng National Bureau of Investigation o NBI ang online selling of babies. At sa isang mall sa Las Pinas, na-entrap ng mga awtoridad ang isang grupo, na kinabibilangan ng isang ina at ahente o middleman, na ibinebenta ang isang 11 day-old na sanggol sa halagang P40,000.
Dahil hindi dumaan sa legal na proseso at walang mga dokumento, napakadelikado ang kalakalang ito ayon sa NBI. Walang kasiguruhan kung saan talaga nanggaling ang mga sanggol. Wala ring katiyakan kung babagsak ba sila sa mabubuting kamay. Lalo pa’t may ilang sanggol, nakakaalarmang kinakasangkapan na rin sa child pornography.
Samahan si Atom Araullo na pasukin ang madilim na mundo ng bentahan ng mga sanggol sa social media at maging sa mga bara-baranggay. BABIES4SALE.PH sa The Atom Araullo Specials ngayong February 24, Linggo 4:30pm sa GMA 7.
------------------------------------------------------
Somewhere deep within the corners of social media lurks a shameless but covert business of online selling, not of the usual goods or beauty products --- but of babies!
Atom Araullo probes deeper into this appalling practice perpetrated by “Adoption Pages” in Facebook, and meets 20-year old ”Christine”, who admits to being a B-Mom or Birth Mom – or a person selling her new-born. Her baby’s father allegedly left her and she’d rather sell her 2-month old offspring for P35,000, than raise the child on her own.
While working on this Special Report, the National Bureau of Investigation or NBI uncovered this illegal practice and organized an entrapment operation. They arrested a group that included a mother and an agent or middleman, who were caught selling an 11-day-old baby for P40,000.
Purchasing a baby through online transaction is highly dangerous since the process circumvents all lawful proceedings and documentation. In the absence of legal and verified information, both babies and prospective adoptive parents are put into certain risks. There’s also a potential danger that these babies may be sold to cybersex dens and used for child pornography.
Go online with Atom Araullo as we investigate these alarming and shady baby transactions in social media and even in the barangays.
BABIES4SALE.PH in The Atom Araullo Specials this February 24, at 4:30pm on GMA 7.