Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Kuwento ng OFW na ikinahihiya ng anak, tampok sa 'Tadhana'


TADHANA presents
LITTLE TATAY
September 1, 2018
Sabado, 3:15pm
GMA 7

 


Hindi nasusukat sa tangkad ang tayog ng pangarap.

Nakasanayan at kinatandaan na ni Angelo ang makaranas ng diskriminasyon dahil sa kanyang dwarfism o pagiging maliit. Hindi na raw bago sa pandinig ni Angelo na matawag na unano, duwende, pandak, bansot at kung anu-ano pang pangungutya.

Pero mas masakit pa sa pangungutya kay Angelo ang iwanan siya ng asawa’t mga anak niya.

Sa paghahangad na muling bumalik ang kanyang pamilya, nagsikap si Angelo na makakuha ng mas mabuting trabaho. Dinala siya ng kanyang paghahanap para maging OFW sa Qatar bilang isang stunt performer sa isang theme park doon.

Kulang man sa laki, nag-uumapaw naman sa talento at galing. Patutunayan ni Angelo na walang malaking nakakapuwing. Ito na kaya ang maging daan para sa muling pagkakabuo ng kanyang pamilya?

Sa kanyang muling pagbabalik, tunghayan ang pagganap ni ni Allan “Mura” Padua bilang Angelo kasama sina Franchesca Salcedo, Sheree, Martin Apolinar, at Alvin Magnahoy ngayong Sabado sa #TadhanaLittleTatay, 3:15pm pagkatapos ng Contessa sa GMA 7.

Tags: plug, pr