Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kabayanihan ng magkapatid na OFW, tampok sa 'Tadhana'


TADHANA presents
HERO YAYAS
August 4, 2018
Sabado, 3:15pm
GMA 7

 


Halos anim na taon nang nagsisilbing yaya sina Joylyn at Joyce sa kanilang mga alagang special children na sina Chen at Liang sa Taiwan. Sa tagal na nilang pagiging yaya sa magkapatid,  naging malapit na ang mga bata sa kanila. Katunayan, nanay na nga ang turing sa kanila ng mga alaga. Pero isang gusot sa pamilya ang maghihiwalay at magdadala sa kanila sa kapahamakan.

Nang madawit sa isang pyramiding scam ang mga amo nina Joylyn at Joyce, kinailangan nilang magtago dahil sa malaking perang hindi na maibalik ng kanilang mga amo. Ang hindi inasahan ng mga yaya, magigising na lang silang wala na ang mga amo at sa kanila iniwan ang mga alaga.

Wala nang employment contract at suweldo, hanggang kailan nila kayang kupkupin ang mga alagang iniwan sa kanila? Paano kung buhay na ang kapalit ng pagmamalasakit? Hanggang saan ang kaya nilang gawin para sa kaligtasan ng mga bata?

Inihahandog ng Tadhana ang kuwento ng kabayanihan ng dalawang OFW yaya sa Taiwan ngayong Sabado, 3:15pm sa #TadhanaHeroYayas pagkatapos ng Contessa sa GMA 7.

Tags: plug, pr