Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

OFW na natukso sa iba, tampok sa 'Tadhana'


TADHANA presents
TUKSO
July 21, 2018
Sabado, 3:15pm
GMA 7

 


Gaano nga ba kahirap layuan ang tukso?

Labintatlong taon nang domestic helper sa Hong Kong si Irma. May asawa at anak sa Pilipinas, siya rin ang tumatayong breadwinner sa kanyang ina at mga kapatid simula nang iwan sila ng kanilang ama. Sa mahigit isang dekadang pagkayod sa ibang bansa, nakasanayan na ng kanyang pamilya ang kanyang pagkawala. Dumating na sa puntong naaalala lang siya ng kanyang pamilyang tawagan kung may kailangan.

Sa panahon ng kahinaan, lumapit ang tukso kay Irma. Marahil dahil na rin sa lungkot at pangungulila, naging marupok si Irma at nahulog ang loob sa iba. Ang mas malaking problema, ito ay nagbunga.

Paano kung kapalit nito ang kanyang trabaho? Paano tatanggapin ng kaniyang pamilya ang pagbubuntis niya? Ayon nga sa kanta, marami na itong mga matang pinaluha at mga pusong sinugatan. Sa sitwasyon ni Irma, ito rin kaya ang ikawawasak ng kanyang tahanan?

Ngayong Sabado, tunghayan ang pagganap ni Camille Prats kasama sina Alex Medina, Manuel Chua at Eunice Lagusad sa #TadhanaTukso 3:15pm pagkatapos ng Contessa sa GMA 7.

Tags: pr, plug