Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

‘The Atom Araullo Specials’ goes ‘Underground’ for its pilot episode this Easter Sunday!


 


Episode 1 UNDERGROUND
#TheAtomAraulloSpecials

Sa unang pagtatanghal ng The Atom Araullo Specials, papasok tayo sa kailalim-ilaliman para mas maintindihan ang mga isyung kinakaharap ng lipunan.

 


Sa pusod ng Maynila, meron palang nakatira sa ilalim ng makasaysayang Jones Bridge.


Dito nakilala ni Atom ang inang si Billa, na ang ilalim ng Jones Bridge ang nagsilbing kanlungan sa magulong lungsod. Para mas maintindihan ang pinagdadaanan ni Billa at ng kanyang pamilya, sasama si Atom sa kanilang pangangalakal ng basura at makikitira sa kanilang tahanan sa ilalim ng tulay.

Ang mga kuweba naman sa Samar na naging takbuhan noon sa panahon ng kalamidad at trahedya, malaking panghatak na ngayon sa mga turista.



Lakas loob na bababa si Atom sa isang underground cave para tuklasin ang itinatago nitong yaman.





Samantala, mag-iisang taon mula nang sumiklab ang digmaan sa Marawi, pupuntahan ni Atom ang nadiskubre dito ng militar na mga fox hole at tunnel na pinagtaguan ng mga rebeldeng Maute kasama ang kanilang mga bihag.


Tandang tanda pa ng bihag na si Norhida kung paanong sa ilalim ng mga fox hole na ito, ilang buwan silang nakipagsapalaran para mabuhay. Ang mga naturang lagusan, papasukin ni Atom para malaman ang naging taktika ng mga terorista sa giyera.

Pero sa gitna ng guho sa Marawi, may natagpuan ang aming team na abandonadong camera. Ano ang laman ng piping saksi na ito sa kasaysayan na magagamit daw ng mga militar na ebidensya?

Samahan si 2018 New York Festivals Finalist at 2018 Guild of Educators, Mentors and Students Awards Best TV Program Host Atom Araullo sa isang makabuluhang pagtalakay at paglalakbay --- The Atom Araullo Specials ngayong April 1 na 4:30pm sa GMA 7.