Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Dalagang hinanap ang inang OFW sa Saudi, mapapanood sa 'Tadhana'


TADHANA presents
LIHIM AT LIHAM
February 24, 2018
Sabado 3:15pm
GMA 7

 


Nasaan na nga ba si Lucia?

Matapos wasakin ng bagyo ang kanilang tahanan, namatay din sa isang aksidente ang asawa ni Lucia. Ito ang nagtulak sa kanya para iwan ang mga anak at mamasukan bilang domestic helper sa ibang bansa. Kabilang si Lucia sa kalahating milyong mga Pilipino na nakipagsapalaran sa Saudi Arabia.

Sa loob ng apat na taon sa Saudi, kaunting pera at ilang liham lang ang natanggap ng mga naiwang anak ni Lucia sa Pilipinas. Sa sama ng loob ng mga anak, pinaghinalaan nilang may ibang pamilya na ang kanilang ina sa Jeddah. Kinalimutan na nga ba ni Lucia ang kanyang mga anak?

Kaya nang magkaroon ng pagkakataon ang panganay na anak na si Fatima na puntahan ang ina sa Saudi Arabia, agad lumipad si Fatima para hanapin ang inang umabandona sa kanila.

Matagpuan kaya ni Fatima ang kinamumuhiang ina? Nakahanda ba siyang harapin ang sikretong itinatago raw ng kanilang ina?

Ngayong Sabado, ituturo't ilalahad ng mga inilihim na liham ang sinapit at kinaroroonan ni Lucia. Abangan ang natatanging pagganap ni Glydel Mercado bilang Lucia at ni Inah de Belen bilang Fatima kasama sina Geleen Eugenio at Cheryl Cosio sa #TadhanaLihimAtLiham ngayong Sabado 3:15pm pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA7.

Tags: plug, pr