Kaso ng pagpatay sa isang lady cop, sisiyasatin sa 'Imbestigador'
“LADY COP”
Sa pagganap nina Jhoana Marie Tan at Renz Fernandez
Alas sais y medya ng gabi noong ika-31 ng Oktubre taong 2017, dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo ang sumalubong sa naka-motorsiklo ring si PO1 Mae Sasing sa bayan ng Consolacion, Cebu.
Walang habas na pinagbabaril ang nakaangkas na babaeng pulis. Agad siyang binawian ng buhay habang humarurot palayo ang mga suspek.
Naulila ni PO1 Sasing ang kinakasamang si Roy at isang anak. Noong una, naging misteryo ang pagkamatay ng alagad ng batas. Lumabas na walang kinalaman ang kaniyang tungkulin sa pagpaslang sa kanya. Pero sa pag-usad ng imbestigasyon, napag-alamang bunsod pala ng nagdaang relasyon ang nagdala sa kaniya sa malagim na katapusan.
Sino nga ba ang pumaslang kay PO1 Sasing at ano ang tunay na motibo sa krimen?
'Wag palampasin ang Imbestigador ngayong Sabado ng hapon, January 20 pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA!