Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

 Rodjun Cruz, Dianne Medina, Max Collins at Pancho Magno, sasabak sa challenges ng 'Follow Your Heart'


 

 
Sa isang dairy farm sa Lipa, Batangas haharap sa ultimate test ng relationship goals ang real life couples na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina… maging sina Max Collins at Pancho Magno!
 

 



Aminadong nagsimula lahat sa crush ang pag- iibigan nina Rodjun at Dianne. Sa sampung taon nilang relasyon, ngayon pa lang daw sila makararanas ng kakaibang bonding. Bawat magkapareha, sasabak sa trabaho at gawaing bahay sa dalawang pamilya ng masisipag na dairy farm workers.

 

 


Sa tuksuhan naman nabuo ang love story nina Max at Pancho. Noong una raw ay hindi pa sila nagpapansinan pero hindi nagtagal ay lumalim na ang kanilang friendship hanggang sa mauwi na rin ito sa pag-iibigan.

 

 

Kakayanin ba nila ang pag-aalaga ng bata at pagpapastol ng mga baka? Tama kaya nilang magawa ang paggagatas at pagsasagawa ng artificial insemination sa mga hayop na kanilang binabantayan?

 

 


Ang host namang si Heart Evangelista-Escudero… nakatoka sa baby cows. Kayanin kaya niyang alagaan at pakainin ang mga ito at bakit nga kaya siya muntik mapaluha sa isa sa mga task niya sa farm?

 

 

 

Huwag palalampasin ang ultimate test ng relationship goals, Follow your Heart ngayong Linggo, May 28, alas-5 ng hapon sa GMA! 

ENGLISH VERSION

Real life showbiz couples, Max Collins and Pancho Magno, Dianne Medina and Rodjun Cruz face the challenge of working in a dairy farm for a day. From milking, tagging and trying the tedious process of cattle artificial insemination… they are up to prove that no task is difficult as long as they’re together.

Meanwhile, host Heart Evangelista- Escudero takes care of the calves in the farm. What task almost made her cry? 

Who among them will survive the farm life?  Who will win P50,000 for their host family?

Don’t miss the ultimate test of relationship goals, Follow Your Heart this Sunday, May 28, 5pm on GMA 7.