Pagpapanggap para sa tunay na pag-ibig, mapapanood sa 'Karelasyon'
Para kay Lea na insecure sa kanyang itsura, tanging magaganda at guwapo lamang ang nakakahanap ng pag-ibig. Kaya naman nang makilala niya sa isang social networking site si Mike, isang pogi at matipunong lalaki, naisip niyang kailangan niyang magkunwari para pumayag ito na makipagkita sa kanya.
Ang pinadalang litrato ni Lea kay Mike ay picture ng kanyang magandang kaibigang na si Abby at tulad ng inaasahan, si Mike ay hindi naman nagalinlangan makipagkita.
Ang kaibigan ni Lea na si Abby napapapag magpanggap bilang si Lea alang-alang sa kaibigang nais lang daw makita nang personal ang kinahuhumalingang lalaki. Ngunit may aberya lamang --- dahil ang mukhang modelong si Mike makikipagkita na may karay-karay ding itong ibang tao --- si Marco!
Paano na lang kung malaman ni Lea na itong si Marco pala ang tunay na ka-chat niya at hindi si Mike?
Paano kung malaman ni Marco na si Lea pala ang iniisip niyang si Abby?
Isang nakakatawang love story ang sunod na handog ng Karelasyon! Pagbibidahan nina Joyce Ching at Kristoffer Martin kasama sina Jazz Ocampo, Sam Ajdani at Mosang, mula sa panulat nina Jerome Zamora at Adolf Alix Jr, at direksyon ni Adolf Alix, Jr.