Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Dalawang ina, isang anak, isang asawa tampok sa 'Karelasyon'


 


Sa mga kwento, ang madrasta o stepmother ang madalas ipinapakitang masama o kontrabida. Pero hindi ganito si Olive (Ana Capri), ang bagong kinakasama ni Gary (Jay Manalo).

Sa katunayan, siya mismo ang gumagawa ng paraan upang mapalapit sa batang anak ni Gary na si Jonas (Sean Ross). Nariyan ang pag-a-attend ni Olive sa mga school activity ni Jonas o ‘di kaya ay pagtulong sa mga homework nito. Para kay Olive, anak na rin niyang tunay ang bata kahit na ang kanyang mismong magulang (Dexter Doria) ay tutol sa relasyon niya kay Gary.

Hindi nagtagal, naging malapit na nga sa isa’t isa sina Jonas at ang kanyang madrasta. Ngunit ang kanilang pagsasama ay dadaan sa pagsubok sa biglang pagbabalik ng unang asawa ni Gary na si Liza (Precious Lara Quigaman). Pagsisimulan nga ng selos ni Olive si Liza lalo na’t makikita niyang sabik na sabik si Jonas sa kanyang tunay na ina. Ngayon, ang naunang asawa pa ang tila magiging kontrabida!

Tuluyan na nga kayang masisira dahil sa selos ang magandang samahang binubuo nina Olive at Gary, kasama si Jonas?
Ano ba ang pakay ni Liza sa mag-amang matagal na niyang iniwan at tinalikuran?

Ito ang sunod na kwentong handog ng Karelasyon, sa panulat ni Jerome Zamora at direksyon ni Michael Christian Cardoz.

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms Carla Abellana tuwing Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.

Tags: pr