Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Alamat ng Sampaloc,' unang handog ng 'Alamat' Season 2


 

Maasim sa panlasa pero may nakaraang mahiwaga. Sa pagbabalik ng Alamat, malalaman natin kung ano ang pinagmulan ng paborito nating sampalok!

 


Sa ikalawang aklat ng Anak TV Seal awardee, pina-level up rin ang paglalahad ng mga kuwento. Maliban sa cartoons na ating kagigiliwan, may mga misteryosong tagapagsalaysay tayong makakasama tuwing Linggo ng hapon. Ano kaya ang kaugnayan nila sa kuwento? Iyan ang sikretong malalaman natin sa dulo ng bawat episode.

 

 

Isa ang beteranong aktor na si Leo Martinez sa mga bituing dapat abangan sa Alamat. Boses pa lang hindi na maipagkakailang siya ang nagbigay-buhay sa mandirigmang si Sampo, pero hindi rin bago para kay Leo ang voice acting. Dahil nga raw sa Alamat, nanumbalik ang mga alaala niya noong nagda-dubbing siya para sa mga pelikulang banyaga na isinalin sa Filipino.

 


Kakaibang karanasan naman daw ito para sa komedyanteng si RJ Padilla dahil hindi lamang siya nag-voice acting para sa animation kungdi pinatungan pa ng prosthetics para gumanap na Tagapag-salaysay sa harap ng kamera.

 


Ang Alamat ng Sampaloc ay ang kuwento ng isang bayan na paulit-ulit na sinasalakay ng higanteng ibon na kung tawagin ay Minokawa.

Tatlong mandirigma ang tatalo sa halimaw, at dahil sa kanilang kabayanihan hihirangin silang mga bagong pinuno ng bayan. Ngunit may iba pala silang pakay na matutuklasan lang matapos silang bigyan ng kapangyarihan. Dahil sa kanilang lakas, walang ordinaryong mamamayan na kaya silang talunin. Ngunit baka hindi lakas ang dadaig sa tatlo.

 


Ang kapalaran ng mga mandirigma, malalaman sa pagbabalik ng kauna-unahang Pinoy Animated Anthology  Series: Alamat, Mayo 15, Linggo 5:15 ng hapon sa GMA.