Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kalungkutan ng isang matandang dalaga, tampok sa 'Karelasyon'


 


Sa pamilyang Pilipino, madalas higit pa sa empleyado ang turing sa mga kasambahay. Sa katunayan, parte na sila ng pamilya na kung minsan ay kasama na rin sila na bawat desisyon ng mag-anak.

Ganito ang relasyon ng mayordoma na si Zeny (Ces Quesada) sa pamilya ni Abel (Tommy Abuel). Simula ng mabyudo si Abel, si Zeny na ang nag-aasikaso sa kanyang amo at umako na rin sa responsibilidad ng yumaong asawa nito. Para ngang “match made in heaven” ang dalawa dahil mabait at malambing na amo si Abel habang si Zeny naman ay maaruga at maalalahaning empleyado. Pero ang kanilang magandang samahan ay masisira sa pagdating ng anak ni Abel na si Jacob (Marco Alcaraz) kasama ang girlfriend nitong si Chloe (Yasmien Kurdi). Kung ituring kasi ni Chloe si Zeny ay parang alila lamang at pinag-dududahan pa nito ang pagiging malapit ni Zeny kay Abel. Pati si Jacob ay nakakapansin na rin sa “closeness” ng dalawa at pupunahin pa ang pakikialam ni Zeny sa kanilang pamilya.

Ano nga ba ang tunay na relasyon ng mag-among sina Abel at Zeny? Hanggang saan ba dapat nakikialam si Zeny sa kapakanan ng pamilya ni Abel? Sino ang mas may karapatan: Ang loyal na mayordoma o ang girlfriend na bisita?

Ito ang kuwentong sunod na tampok sa Karelasyon! Sa panulat ni Jerome Zamora at direksyon ni Zig Dulay.

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms Carla Abellana tuwing Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.

Tags: prstory