Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pagsubok sa panahon ng Kapaskuhan, tampok sa 'Karelasyon'


 

 

Sa mall nag-umpisa ang relasyon nina Ria at Nico nang magkakilala sila isang simple ngunit nakatutuwang raket tuwing panahon ng kapaskuhan.

Naging maagang pamasko si Nico sa buhay nina Ria dahil inibig siya nito at agad na tinanggap si Emman, anak ni Ria sa kanyang dating live-in partner.

Pero mabigat na papel pala ang gagampanan ni Nico sa buhay ng mag-ina.

Una, malalaman niyang may malubhang sakit si Emman kaya kakailangnin niyang akuin ang gastos sa mga gamot. Pangalawa, matutuklasan niyang may nililihim si Ria tungkol sa sitwason nito sa tunay na ama ng bata.

Maiipit sa Nico sa gitna ng dalawang mabigat na suliraning susubok sa pagmamahal niya sa kawawang mag-ina.

Anong gagawin niya kapag nakaharap na niya ang totoong tatay ni Emman? Paano niya ipaglalaban si Ria na baka mabawi sa kanya?  

Ito ang kuwentong may puso na handog ng "Karelasyon" ngayong Pasko. Tampok si Ms. Sunshine Dizon, kasama ang mag-ama sa tunay na buhay na sina Nino at Alonzo Muhlach.

Huwag ninyo itong palagpasin! Samahang muli si Ms. Carla Abellana ngayong Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA!

Tags: prstory