Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Pag-ibig ng babaeng may minana umanong sumpa, tampok sa 'Karelasyon'




Para sa ikatlong parte ng espesyal na paghahandog ng Karelasyon ngayong buwan ng Oktubre, tampok ang kwento ng pag-ibig na susubukang kontrahin kung ano ang tila nakatadhana na --  ang kuwento nina Paolo at Myra.

Upang maibenta ang malawak na lupain sa probinsya na ipinamana sa kanya, kinailangan magpunta mismo roon ni Paolo -- isang mabait, guwapo at matalinong binata na nag-aaral ng medisina sa Maynila.

Unang beses makarating ni Paolo sa lugar na pinagmulan ng kaniyang ama at agad siyang namangha sa kakaibang ganda nito. Agad din siyang namangha sa kakaibang ganda ng misteryosang babaeng si Myra na nasulyapan niya sa gubat.

Sa lugar na ‘yun, kilalang mailap si Myra. Lumaki kasi siyang hindi nakikisalamuha sa mga tao, lalo na sa mga kalalakihan. Kahit wala pang nakapagpatunay, pinaniniwalaan ng mga lokal na si Myra ay nagmula sa lahi ng mga aswang at mangkukulam.

At si Paolo na walang kaalam-alam tungkol dito ay nagpakita ng interes at malasakit kay Myra, na naging dahilan para magustuhan siya ng dalaga.

Subalit ang bagay na ito pala ang pagsisimulan ng gulo sa kanilang mga buhay.

Magbabago kaya ang pakitungo ni Paolo sa dalaga sa oras na malaman niya kung ano ang paniwala ng mga tao tungkol dito? Sasabihin kaya ni Myra kay Paolo kung totoo ito? Meron nga ba siyang lihim na pagkatao? At magiging balakid ba ito sa kanilang pagtitinginan?

Tampok sina Rafael Rosell at Wynwyn Marquez, sa panulat ni Danzen Santos-Katanyag at direksyon ni Rember Gelera, abangan ang kuwentong ito ngayong October 24, Sabado, pagkatapos ng Eat Bulaga.
Tags: prstory