Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Magkapatid na nag-iibigan, tampok sa 'Karelasyon'



Bawal na relasyon --- ito ang tumambad sa bagong layang si Roger nang makitira siya sa bahay ng kaniyang pen pal na si Rose, balo at may dalawang anak na teenager.

Lingid sa kaalaman ni Rose na laging abala sa paghahanapbuhay, naging labis na ang pagiging malapit ng kaniyang mga anak at naging higit pa ito sa turingan dapat ng magkapatid. At si Roger, na nais sana tumayo bilang bagong ama ng kanilang pamilya ang hindi sinasadyang makakadiskubre nito.

Ano ang gagawin ng magkapatid na sina Jane at Julius kung ipinaalam ito ni Roger sa kanilang ina? Gagawa ba sila ng paraan para mapaalis sa kanilang pamilya ang lalaking tanging nagpapasaya kay Rose? Titigilan ba nila ang kanilang bawal na relasyon bago pa ito malaman ng kanilang ina at ng makarating na rin sa ibang tao sa kanilang komunidad?

Ano ang gagawin ni Rose kapag nalaman niya ang tungkol sa kasalanan at pagkakamaling ito ng kaniyang mahal na mga anak?

Isang trahedya ang magaganap sa mag-iina na magiging daan para maitama ang lahat ng mali sa kanilang munting tahanan…

Tampok sina Rochelle Pangilinan, Arthur Solinap at Kapuso teen stars na sina Kim Rodriguez at Kiko Estrada, abangan ang mainit na kwentong ito sa Karelasyon!

Ilalahad ni Ms. Carla Abellana ngayong October 3, 2:30pm pagkatapos ng Eat Bulaga.
Tags: prstory