Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Babaeng hindi na masaya sa kaniyang asawa, tampok sa 'Karelasyon'

 




Gaya ng mga tinda nilang bulaklak, makulay ang kwento ng pagmamahalan nina Marie at Ronald.
Pero gaya ng ibang mag-asawa, hindi sapat ang puro pag“I love you” lang, kailangan din ng tunay na lambingan lalu na kung gustong gusto na ni misis magkaron ng baby.



Sa pagkukulang ni Ronald sa parteng ito nagsimula ang pagsubok sa relasyon nila ni Marie.Ang maliit na problema nila sa sex, hinayaan nilang pagmulan ng madalas na tampuhan at bangayan na lalung lang nagpalala sa hindi masayang sitwasyon.



Paano malalagpasan nina Ronald at Marie ang problemang ito? Ano ang handa nilang gawin para hindi tuluyang mabuwag ang kanilang wagas na pagmamahalan?

Tampok sina Jackie Rice at Carlos Agassi, sa panulat ni Honee Alipio at direksyon ni Rember Galera, ilalahad na ang mainit na kwentong ito sa Karelasyon, kasama ang nag-iisang si Ms. Carla Abellana. Abangan sa GMA ngayong Sabado, 2:30pm o pagkatapos ng Eat Bulaga!
 
Tags: prstory