Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Makikipagrelasyon ka ba sa anak ni kumare? 




Pagdating daw sa pag-ibig “Age does’nt matter.” Pero paano kung hindi naman pag-ibig kundi pagnanasa lang pala ang yung nararamdaman?

At paano kung ang pagnanasang ito ay para sa anak ng iyung matalik na kaibigan?



Ito ang matinding pagsubok na pagdadaanan ni Lara, na naakit at hindi napigilang iwasan ang tuksong hatid ng 18 taong gulang na anak ng kumare niyang si Sandra.



At sa pagkakatuklas ni Sandra tungkol sa relasyong ito, mapapatawad pa ba niya ang kaibigan?



Ano ang gagawin ng anak niyang si King? Susunod ba siya sa kaniyang ina o ipaglalaban ang babaeng gustong-gusto niya?

Ito ang mainit na kuwentong bagong matutunghayan sa "Karelasyon."