Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Teacher-student relationship, tampok sa 'Karelasyon'

 




Naatasan ang guro na si Pat na maging coach ni Minnie sa quiz bee kung saan siya ang nanalo bilang kinatawan ng kanilang eskwela.



Ang achiever na estudyante, kulang pala sa atensyon ng magulang, lalo ng amang nawalay sa kanila ng kaniyang nanay, kaya si Minnie napalapit ang loob sa mabait na teacher.



Hindi akalain ni Minnie na ang magaan na loob niya para kay Sir Pat ay magiging paghanga at mauuwi pa sa pag-ibig. Ang problema, nagustuhan na rin ni Pat ang ‘di hamak na mas bata sa kaniya na si Minnie.



Ano kayang mga pagsubok ang pagdadaanan ng dalawang karakter na ito?



Isa na namang kapanapanabik na kwento ang inyong matutunghayan sa Karelasyon!  
 

Tags: prstory