Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Sugar daddy ni Misis, tampok sa 'Karelasyon'




“SUGAR DADDY”
Starring LJ Reyes and JC Tiuseco
Written by Gay Ace Domingo
Directed by Paul Sta. Ana

Dahil sa hirap ng buhay at kahinaan ng kaniyang mister dumiskarte sa buhay ay nagdesisyon si Girlie mangibang-bansa. Nagtrabaho siya sa Japan bilang waitress at tiniis na malayo kay Jun at sa panganay nilang anak na si Sophie.





Isang taon lang ang plano ni Girlie manatili abroad subalit sa pagnanais na makaipon ng mas maraming pang pera ay mas nagtagal pa siya roon.

Hindi man gusto ni Jun ay sinusunod lamang niya parati ang mga desisyon ni Girlie. Kahit ang pagkakaroon ng kaniyang misis ng karelasyong Hapon ay nasikmura niya kung saan kakuntsaba siya sa mga kasinungalingan ni Girlie sa Hapon. Ang lahat ng ito, gagawin daw nila alang-alang sa pangarap na buhay na maginhawa.



Subalit hanggang saan aabot ang panggagamit at panlilinlang ng mag-asawa sa mayamang Hapon? Ano ang mangyayari sa paghaharap nina Jun at ng kalaguyo ni Girlie? Paano silang tatlo mabubuhay sa ilalim ng iisang bubong?



Abangan ang kuwentong ito sa Karelasyon! Ilalahad ni Ms. Carla Abellana ngayong Sabado, May 16, pagkatapos ng Eat Bulaga.
Tags: prstory