Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Stay pretty kahit busy: Iwas-losyang tips para sa mga mommy


"Karelasyon" airs every Saturday, 2:30 PM, on GMA channel. For more information, follow the show on Facebook and Twitter. For updates on your favorite documentaries, follow the official Facebook page of GMA Public Affairs.

Noong nakaraang Sabado, natunghayan natin sa programang “Karelasyon” ang kuwento nina Marlon (Marco Alcaraz) at ng kaniyang dream girl na si Tere (Valerie Concepcion) na sinubok ang pagsasama matapos “malosyang” si Tere dahil sa pagiging abala nito sa mga gawaing-bahay.



Ang dating “hot” na si Tere, napilitang iwan ang kaniyang trabaho para maging full-time mom. Kasabay nito, napabayaan niya ang kaniyang hitsura at nabawasan din ang quality time nila ni mister, na naging mitsa para matukso sa iba si Marlon.



Matapos ang episode, marami ang naka-relate sa social media.

Ayon sa Facebook user na si Kimberly, “Relate naman ako rito. Kapag nagka-anak ka na, wala [ka] ng time sa sarili.”

Ang iba, sinisisi naman sa mga mister ang pagkalosyang ng asawa. “Si lalaki, hindi man lang tumutulong sa gawaing-bahay. Paano pa (magkakaroon ng oras) maski makahilamos or paligo ‘yung asawa? Eh lahat siya ang gumagawa,” comment naman ng Facebook user na si Ikang.

Dahil diyan, nagtanong kami sa mga eksperto ng ilang “anti-losyang” tips para sa mga mommy na laging busy.

Respect your boundaries

Ayon sa marriage counselor na si Gracier Yu na nagbibigay ng libreng marriage advice sa website na Maximizing Marriage, mahalagang igalang ng mga nanay ang kanilang sariling limitasyon.

“Kahit gaano ka kaganda, katalino o kabait, if you don’t respect your physical boundaries, magkakasakit ka. You have to eat and sleep well. Take care of your personal hygiene,” payo ni Yu na mayroon ding dalawang anak.



Ayon naman sa registered psychologist at relational life coach na si Lillian Ng Gui, mahalagang tanggapin din na habang nagkaka-edad ay talagang nagbabago ang katawan ng isang babae.

“Huwag kang ma-frustrate na hindi mo na kasing-katawan si Solenn Heussaff,” payo ni Gui. “You cannot stay young and beautiful until you’re 96, but you can keep feeling young and beautiful until you’re 96. Make it a point to also exercise and care for your body.”

Emotional burnout

Ayon sa marriage counselor na si Yu, ang emotional burnout ay kondisyon kung saan pakiramdam ng isang babae ay “naubos” na ang kaniyang lakas at pagkatao dahil sa kabibigay sa mga pangangailangan ng kaniyang asawa at mga anak.

“Walang taong hindi nauubos. Ito ‘yung kahit masaya naman ang paligid mo ay hindi ka na makaramdam ng saya,” paliwanag niya.

Mungkahi pa ni Yu, “Huwag mong i-drop ang lahat para sa asawa mo. You can be happy without sacrificing family time. Kahit gaano ka kabait na babae, if you are emotionally burned out, you will not be your 100%. You will be irritable. Lahat tayo tatanda at papangit, pero ang ikagaganda ng isang tao ay kung maganda ang disposition niya sa buhay.”

Ang pagkalosyang ay maaaring sintomas din ng “low self-esteem” o mababang pagtingin sa sarili, ayon naman sa psychologist na si Gui na may apat ding anak.

“Once in a while, ask your supportive friends to babysit for you. Be spontaneous. Try new things. Get out of your comfort zone and your everyday routine. Reward yourself. Allow yourself to feel young and alive, ” dagdag pa niya.

Happy wife, happy life

Ayon sa isang pag-aaral mula sa Amerika na nailathala sa “Journal of Marriage and Family,” kung masaya ang babae sa kaniyang buhay, nahahawa rin sa kaligayahang ito ang kaniyang asawa.

Sa pag-aaral, tinanong ang 18,000 katao tungkol sa kanilang buhay may asawa at sinabihan silang i-rate ang kanilang “marital satisfaction” nang isa hanggang apat na puntos na pinakamataas.



Ang mga lalaking nagbigay ng isang puntos pero may mga asawang nagbigay ng apat na puntos, ini-report na masaya ang kanilang pangkalahatang buhay. Samantalang sa mga mag-asawang nagbigay ng parehong isang puntos, ini-report ng mga lalaking asawa na mababa ang kalidad ng kanilang pangkalahatang buhay.

Dahil dito, mahalaga rin daw na habulin ng isang babae ang sarili niyang kaligayahan. Payo ni Gui, “As soon as you feel something  negative, learn to laugh at yourself and call a friend with a positive outlook, avoid mingling with negative people. Learn to plan for a beautiful future, not a gloomy one.”

“Pay attention to your children. See how young, happy, and carefree they are, ” dagdag pa niya.

It’s not all about the looks

Paalala ng marriage counselor na si Yu, kahit pa manatiling maganda ang isang babae, hindi pa rin ito garantiya na magiging matagumpay ang pagsasama ng mag-asawa.

“Marami kaming nakikilala na mga babaeng ang ganda-ganda pero nag-fail pa rin ang marriage, hindi naman mase-save ang marriage sa pamamagitan lang ng ganda,” babala ni Yu.



“Importante ang intimacy, hindi ‘yan ang pinakamahalaga sa marriage but it’s a good barometer sa health ng marriage. Be available for your husband. Also, hindi ka dapat magpaganda para lang sa asawa mo, hindi mabuting motivation ‘yun. Do it for yourself.”



Let go and let God

Kung pakiramdam mo ay nalimutan mo na ang iyong sarili, at ang masaklap pa ay nangangaliwa si mister, hindi pa rin daw dapat mawalan ng pag-asa ayon kay Gui:

“Kapag nagloloko si mister, hindi ka na ba puwedeng maging masaya?  Kung ang asawa natin ay nagloloko, let him cook his own disaster.”

“Siyempre, that’s something really hurtful. But there are things that we can control and there are things that we can’t. Let go and let God. Allow God to work for us.”---BMS