Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Missing: 'Sa Puso ni Dok' Part 4


SA PUSO NI DOK- Part 4
“MISSING”
September 14, 2014
 
Parami nang parami ang nag-aabang ng medical drama na Sa Puso ni Dok at sa umuusbong na pag-iibigan sa pagitan ng dalawang bidang doktor na si Doc Dennis (Dennis Trillo) at Doc Gab (Bela Padilla).  Ngayong linggo, isa na namang episode ang hindi dapat palampasin. 
Matapos makilala ni Doc kung sino si Angela (Elija Alejo), tila nagkaroon ng masmalalim na pagkakaunawaan ang dalawang bida.  Pero ito ay nag-udyok ng pagseselos sa boyfriend ni Doc Gab na si Joemar (Aj Dee) kay Doc Dennis.  Maging si Karla (Stephanie Sol), hindi pinalampas ang pagkakataon na komprontahin si Doc Gab para bantaan siya na huwag umeksena sa pagkakaunawaan nila ni Doc Dennis.

Ngayong linggo, isang malaking problema ang haharapin ni Doc Gab, ang Lola Corazon (Anita Linda) niya ay mawawala. 
Sa sobrang pag-aalala sa Lola, naging emosyonal si Doc Gab at naibunton niya ang galit kay Jeomar.
 
Tutulong na rin si Doc Dennis sa paghahanap kay Lola Corazon.  Dahil dito, mas titindi ang pagseselos ni Joemar kay Doc Dennis.  
Hindi lamang si Joemar ang makakaramdam ng selos kundi si Karla na hindi napigilan ang sarili na sugurin ang dalawa. 

Mahahanap pa kaya si Lola Corazon? 
 
Panoorin ang ikaapat na bahagi ng Sa Puso ni Dok ngayong linggo, 9:30pm, pagkatapos ng Kapuso mo, Jessica Soho!