Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

“THE MISSION”: SA PUSO NI DOK Part 3 September 07, 2014


Noong nakaraang linggo, tila naudlot ang pagtitinginan nina Doc Dennis (Dennis Trillo) at Doc Gab (Bela Padilla) sa isa’t isa nang makilala ni Doc Dennis ang boyfriend ni Doc Gab na si Joemar(AJ Dee).  Nakilala rin ni Doc Gab si Dok Karla( Stephanie Sol) isang dentista na kababata ni Dok Dennis na may gusto sa kaniya.    


 

Ngayong Linggo, mailalantad ang lihim ng nakaraan ni Doc Dennis…  At kung sino si Angela…




 
Magkakaroon ng Medical Mission sa isang komunidad ang mga medical staff ng Melchora General Hospital.  Kinailangan makiangkas ni Doc Gab sa motorsiklo ni Doc Dennis, dito mapipilitan silang mapalapit sa isa’t isa sa mahabang biyahe.




Sa kasagsagan ng Medical Mission, isang batang babae (Barbara Miguel) ang tila sinasaniban ng engkanto na nakatira sa malaking puno dito.  Pero ang mga taumbayan, naniniwalang imbes na gamutin sa ospital ang bata, kailangan siyang dalhin sa albularyo.  Kaya kasama ng ilang taumbayan, dinala nina Doc Dennis at Doc Gab ang bata sa isang albularyo gamit ang tradisyunal na pamamaraan.




 
Sa huli ay makikilala ni Dok Gab si Angela (Elija Alejo), ang pangalang laging binabanggit sa kaniya ni Dok Dennis.  Si Angela ay mayroong di pangkaraniwang sakit na lihim na inaalagaan ni Doc Dennis.  Nang malaman ni Doc Gab ang saloobin ni Doc Dennis, mas lalong naging malapit sa isa’t isa ang dalawang bida.




 
Maraming mangyayari na hindi dapat ma-miss sa ikatlong bahagi ng medical drama series na Sa Puso ni Dok, ngayong Linggo, September 07, 2014, 9:30 PM, pagkatapos ng Kapuso mo, Jessica Soho!