Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Pag-ibig sa Gitna ng Pandemic' ngayong Lunes sa 'Front Row'!


“PAG-IBIG SA GITNA NG PANDEMIC”
February 8, 2021 Lunes ng gabi pagkatapos ng SAKSI sa GMA 7

 


Sinubok ng pandemic ang pag-iibigan nina Khaye at Arjanmar. July 2020, nagpositibo sa COVID-19 ang nurse na si Khaye. Dahil dito, kinailangan niyang pumasok at magpagaling sa loob ng isang quarantine facility.

 

Dahil sa sitwasyon, nabalot ng takot at pangamba ang magkasintahan. Pero sa kabila nito, hindi sila nagpatinag. Araw-araw, kinukumusta si Khaye ng nobyong si Arjanmar, isang filmmaker.

Ang hindi alam ni Khaye, isang magandang sorpresa ang naghihintay sa kanya.

Matapos ang halos isang buwan, nag-negatibo sa virus si Khaye. Nang lumabas na siya sa quarantine facility, sinalubong siya ng nobyong si Arjanmar para sa isang wedding proposal.

Ibinigay naman niya ang kanyang matamis na oo.


Makalipas ang ilang buwan, sa gitna ng pandemya, natuloy ang kasal ng dalawa


Bilang pasasalamat sa paggaling ni Khaye mula sa COVID-19, nag-volunteer sila sa isang donation drive para sa mga biktima ng mga nagdaang kalamidad

Tunghayan ang kuwento ng kanilang “Pag-ibig Sa Gitna ng Pandemic” sa Front Row ngayong Lunes ng gabi, February 8, 2021, 11:30pm, pagkatapos ng Saksi sa GMA.

Tags: , pandemic, COVID-19,