Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Front Row'

Ilang Pinoy, napilitang tumira sa jeepney dahil sa hirap ng buhay!


 

"SILONG"

NGAYONG JULY 27, 2020, 9:15PM SA GMA NEWS TV

Sa gitna ng pagpapatupad ng lockdown, ilang kababayan natin ang nawalan ng tirahan kaya napilitang mamuhay sa kalsada.

Sa isang jeep sa kalye ng Rizal Avenue sa Maynila, nakatira ang walumpu’t limang taong gulang na si Lolo Mario at ang taong kumupkop sa kanya na si Kim. Dating palaboy si Lolo Mario pero nitong nakaraang taon, tinulungan siya ni Kim at pinatuloy sa inuupahan nilang kwarto. Ang problema dahil sa pandemya, nawalan sila ng kabuhayan at nawalan din ng pambayad ng renta. Kaya nakiusap na lang sila sa may-ari ng isang jeepney na gawin nilang silungan ang nakatenggang sasakyan.

Hindi kalayuan kina Lolo Mario, nakatira rin sa isang jeepney ang pamilya ni Jordan. Jeepney driver si Jordan pero dahil pansamantalang tumigil ang pasada, nawalan na rin sila ng mapagkukunan ng pambayad sa bahay. Sa halip na magpagala-gala sa kalsada, tinitiis nila ngayon ang pagtira, pagkain at pagtulog sa loob ng jeep. Para kumita, nakiki boundary ngayon ng tricycle si Jordan.

Sina Maricris naman napilitang manirahan sa isang bangketa sa Macapagal Boulevard matapos magsara ang pinapasukang construction company ng kinakasama. Tatlong buwan na rin silang nakatira sa kalsada. Maselan ang kondisyon ngayon ni Maricris dahil dalawang buwan na siyang buntis. Gustong-gusto man niyang makauwi ng Masbate, hindi naman daw nila alam kung paano. Ang masaklap, ang iba nilang gamit gaya ng cellphone at mga ID, ninakaw habang sila ay natutulog.

Abangan ang kanilang kwento sa SILONG sa Front Row sa bagong POWER BLOCK, 9:15pm sa GMA News TV Channel 11.

 

ENGLISH SYNOPSIS

Amid the community quarantine, a jeepney driver and his family have resorted to living inside a passenger jeepney. The family could no longer afford to pay rent and opted to endure living in the cramped space after he lost his only source of income.  

Lolo Mario and Kim also found themselves living inside a jeepney after losing their means of livelihood. Nearly 3 months into the lockdown, they still live inside the jeepney without the means to support themselves apart from the donations and assistance from passersby.

Without a home and livelihood for nearly three months because of the coronavirus lockdown, others have no other place and shelter to live.

Catch their stories of survival on “SILONG” on Front Row:  this July 27, 9:15PM, on GMA News TV’s “Power Block”.