Pari, kilo-kilometro ang nilalakbay sakay ng kabayo makapagmisa lamang sa kabundukan.
February 17, 2020
FRONT ROW
PADRE KABALYERO
Sa mga liblib na sulok ng Itogon nagkalat ang maraming gimong - o mga maliliit na simbahan. Tuwing Linggo, iniikot ni Reverend Father Rolly Buasen ang lahat ng mga ito. Kailangang maglakbay ni Father Roly ng kilo-kilometro sa pagitan ng bawat misa upang makarating sa kabilang simbahan sa tamang oras. At kahit mas madali sanang sumakay na lang sa sasakyan, hindi ito posible sa ibang lugar dahil sa kitid ng daan. Kaya tulad ng mga pari at misyonaryong namalagi sa lugar na ito bago sa kanya, natuto si Father Rolly na mangabayo. Tuwing Linggo, kasama ang kaniyang grupo ng mga sakristan tinatahak nila ang kabundukan ng Itogon upang maipakalat ang salita ng Diyos.
English Synopsis
In the far corners of Itogon, different little chapels or houses of worship are scattered about. Every Sunday, Reverend Father Rolly Buasen visits them all. He needs to travel some distance immediately after every mass to get to the next chapel on time. And though cars are certainly faster, the mountainous terrain sometimes requires him to go old school — he does these trips riding on horses. Father Rolly had to learn how to ride a horse to be able to do his job easier and faster. He and his band of youth travel the mountains of Itogon on horses to spread the word of God, much like the missionaries in the past have done.