Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Obra ng isang lalaki sa Iloilo City, dumudugtong sa buhay ng asawang may malubhang sakit


 

 

MGA OBRA NI MANG LARRY
January 6, 2020 / Lunes ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA

 

Nagsimulang maglako ng kanyang paintings at drawings si Mang Larry Canilao sa mga kalsada ng Iloilo City. Hindi pare-pareho ang kinikita niya kada araw. May mga panahong matumal at wala siyang nauuwing pera sa kanyang pamilya.

Napakahalaga kasi ngayon na may bumili ng kanyang mga obra. Ang bawat sentimo kasi na kinikita niya rito, ginagamit niya para sa dialysis ng kanyang asawang may kidney disease.

Minsan na rin siyang pumwesto sa isang plaza sa Iloilo, pero kinailangan niyang umalis dahil na rin sa ordinansang nagtatanggal sa lahat ng umookupa sa mga sidewalk at kalsada.

Mabuti na lang isang mall ang kumupkop sa kanya ngayon.

Mamangha sa kanyang kwento sa dokumentaryong “MGA OBRA NI MANG LARRY”, sa Front Row ngayong Lunes ng gabi, January 6, 2020 pagkatapos ng Saksi sa GMA.