Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

‘Pamilya Lechonero’ ng Bulacan, dinadagsa ng mamimili dahil sa lechong baka


 
PAMILYA LECHONERO
December 23, 2019
 
Sa isang Barangay sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan nakilala namin si Isagani Villano 52 y/o isang lechonero ng baka.
 
 
 
Mula pagkabata, paglilitson na raw ang kanyang kinagisnang hanapbuhay, hanggang sa nagkaroon na siya ng sariling pamilya. Katuwang ang kanyang buong pamilya, pinagtutulungan nila ang pagkakatay, paggawa ng sauce, paglilitson at paghahanap ng customer sa paglilitson ng baka. Ngayong nalalapit ang kapaskuhan, dumami raw ang kanilang order ng litsong baka ng pumasok ang ber months, dahil na rin raw sa marami ang natatakot kumain ng baboy matapos ang isyu ng African Swine Fever.
 
 
 
Tunghayan kung paano pinagtutulungan ng pamilya lechonero na ito ang maraming gawain para maihain ang masarap at nakakatakam na lechon ng baka. Manood sa Front row ngayong Lunes 11:35pm ng gabi pagkatapos ng saksi.
Tags: frontrow