Barbero sa Davao City, nagbibigay ng libreng gupit para makatulong sa kapus-palad

INIHAHANDOG NG FRONT ROW
"BARBERO"
December 9, Lunes pagkatapos ng Saksi
Tatlong taon nang nagbibigay ng serbisyo sa pamamagitan ng gunting at suklay sa Davao City ang 29 taong gulang na si Terry Lawrence Zabala na mas kilala sa tawag na “Terrence”. Mula Huwebes hanggang Martes naghahanapbuhay siya sa isang barber shop bilang barbero.



Pero tuwing Miyerkules sa halip na magpahinga, personal na sinasadya ni Terrence ang mga taong walang sariling tirahan at namumuhay sa lansangan para magbigay ng libreng gupit. Bukod sa libreng gupit binibigyan niya pa ng pera ang ginugupitan. Mahigit isang taon na niyang ginagawa ang adhikaing ito sa mga kapus-palad.
Alam ni Terrence kung gaano kahirap mamuhay sa lansangan dahil naranasan na niyang maging palaboy noong siya’y siyam na taong gulang. Nalulong din siya noon sa ipinagbabawal na gamot pero unti-unti rin siyang nagbago.
Sundan ang kwento ni Terrence bilang barbero sa loob at labas ng barberya sa Front Row ngayong December 9 pagkatapos ng Saksi!
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us