Mag-iina, tumatawid sa pitong ilog makarating lamang sa eskwelahan
Inihahandog ng Front Row
“SA GITNA NG AGOS”
December 2, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi
Matapos pumanaw ng kaniyang asawa, bumalik sa Senior Highschool si Rhodora Peralta, 36 taong gulang. Pero para makarating sa eskuwelahan, kinakailangang tumawid ni Rhodora ng pitong ilog. Kasabay ni Rhodora ang kaniyang tatlong anak sa pagsuong sa tubig. Inaabot sila ng isa’t kalahating oras sa pagtawid habang tinitiis ang bawat peligro na maaari nilang makasalubong.
Kahit na nag-aaral, patuloy naman si Rhodora sa pagta-trabaho para kumita, lalo na’t siya na ang parehas na haligi at ilaw ng tahanan. Katunayan, nagtatalop siya ng kilo-kilong luya para matinda ito patungo sa isang pabrika. Nagsisilbi ring kagawad si Rhodora sa kanilang barangay. Pero, sa kabila ng patung-patong niyang tungkulin, ‘di pa rin humuhupa ang lungot niya sa pagiging isang balo.
Hanggang kailan kakayanin ni Rhodora at ng kaniyang mga anak na tumawid ng sunud-sunod na ilog? Saan nanggagaling ang pag-asa ni Rhodora habang nasa gitna siya ng agos ng mga pagsubok?
Ngayong Lunes, December 2, sundan ang kuwento ng isang dakilang ina sa “Front Row” pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.
English Version:
“IN THE MIDST OF CURRENT”
At the age of 36, Rhodora is a widow, and an aspiring Senior Highschool graduate. But to achieve her goal, she has to cross seven rivers to get to school, along with her three kids. They bravely endure all kinds of threat in their one hour and a half travel in rivers.
While pursuing education, Rhodora has been working like a horse since she became both the father and mother of their family. In fact, she peels off tons of ginger for financial income. Rhodora also serves as a Barangay Kagawad. But despite her stacked responsibilities, she couldn’t hide the deep hole of her loneliness as a widow.
Until when can Rhodora and her kids cross the series of river? Where does Rhodora get hope while she’s in the midst of flow of challenges?
This Monday, December 2, witness a story of the unconditional motherhood on “Front Row”, right after Saksi on GMA 7.