Mga 'Batang Bakal,' tampok sa 'Front Row'

Inihahandog ng ‘Front Row’
‘Batang Bakal’
September 9, Lunes pagkatapos ng Saksi sa GMA
Araw-araw, sumisisid ang tatlong batang magkakaibigan na sina Boyboy, labing isang taong gulang, Jimboy at Manny, kapwa labing dalawang taong gulang sa pantalan ng Navotas hindi para manguha ng isda kundi para kumuha ng mga bakal sa ilalim ng dagat. Wala silang gamit sa katawan o proteksyon man lang sa kanilang mga mata tuwing sila'y sumisisid. Dahil malalim ang sinisisid, nakataya lagi ang buhay ng mga bata.
Ipinagbibili nila ang mga nakukuhang bakal at ang kalimitang kinikita ng bawat isa nasa sampu hanggang tatlumpung piso lamang. Sapat na sa kanila ang kinikita para makabili sila ng pagkain.
Alam ng kanilang mga magulang ang mapanganib na pagsisid ng kanilang mga anak pero hindi nila mapigilan ang mga bata.
Sundan ang kanilang kwento sa dokumentaryong "Batang Bakal" ngayong Lunes ng gabi, September 9 pagkatapos ng Saksi.
(English)
Boy boy 11 yrs old, Jimboy and Manny both 12 yrs old dive the dirty water of Navotas pier to look for pieces of steel and sell it to buy food.