Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

7 magkakapatid na nabubuhay sa pag-uuling, tampok sa 'Front Row'


 
Inihahandog ng ‘Front Row’

‘Pangarap sa Abo’
August 19, Lunes pagkatapos ng Saksi sa GMA

Lumaking akyat-baba sa bundok ang magkakapatid na Barbero-- sina Edmond, Ednalyn, Edlyn,  Erika, Edgar, Edcar  at bunsong si Edward. Pag-uuling ang hanapbuhay ng kanilang mga magulang. Kusang tumutulong ang magkakapatid upang madagdagan ang kita ng pamilya at hindi na ulit makaranas ng gutom. Hati-hati ang pamilya simula sa pagbubuhat ng mga kahoy hanggang maging uling ang mga ito.

Ang inang si Carla, walang-humpay ang pagtatrabaho sa ulingan kahit may iniindang sakit, lahat ay gagawin basta’t makapag-aral lang ang kanilang pitong supling. Tulad ng kanilang kinaiingatang uling, ayaw niya maging abo ang pangarap at kinabukasan ng mga anak.

Sundan ang kanilang kuwento sa Front Row ngayong August 19, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA.

(English)

The Barbero children all grew up running up and down the mountain. Their parents make charcoal for a living. All children willingly help out in their family’s work to avoid going hungry. The mother Carla suffers a medical condition but this doesn’t stop her from doing hard physical labor so that all seven kids go to school. Like the precious charcoal that they depend on, she does not want her children’s dreams and future to turn into ash.

Tags: frontrow