Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Pagsagip sa mga asong isasailalim sa euthanasia, tunghayan sa 'Front Row'


“SAGIP ASPIN”
July 1, Lunes ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA

Sa isang dog pound sa San Jose Del Monte, Bulacan, nakatakda sanang isailalim sa euthanasia o mercy killing ang mahigit isang daang asong naka-impound.

Pero may ilang indibidwal na handang sumagip sa mga aso. Limang araw nang hinahanap ni Clarence Vinluan ang kanyang asong si Kiefer. Nagbakasali siyang hanapin ito sa dog pound. Sa wakas, natagpuan niya si Kiefer bago pa man ito tuluyang mawala sa kanya. 

Matapos naman makita sa social media ang balita, nagpasya ang mag-asawang Roberto at Helen Rollan na mag-ampon ng aso mula sa dog pound. Pero hindi lang isa kundi walong aso at tuta ang iuuwi nila.

Ang grupong Pawssion Project naman, naghahanda para kunin ang karamihan ng mga aso sa dog pound at dalhin sa isang shelter. 

Ang veterinary hospital ng San Jose del Monte, patuloy na isinasalba ang ilang asong may sakit. Kinakapon din ang mga aso bago man sila ipaampon.

Tunghayan ang kanilang kwento sa dokumentaryong “SAGIP ASPIN,” sa Front Row ngayong Lunes ng gabi, July 1, 2019 pagkatapos ng Saksi sa GMA7.

(English)

More than a hundred dogs at the pound in San Jose Del Monte City, Bulacan are in need of a new home. These dogs are set to be euthanized unless people come to adopt them. The SJDM City Veterinary Office said it has already deferred the euthanasia but could not postpone it for long as they could no longer afford to care for all the dogs at the pound.

Tags: frontrow