Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Front Row'

Dalawampu't limang kosa ng New Bilibid Prison, nakapagtapos ng kolehiyo


 
Inihahandog ng Front Row
“Graduate na si Kosa”
Lunes, May 20, 2019 pagkatapos ng Saksi
 
Marami sa mga bilanggo na ipinapasok sa New Bilibid Prison ang hindi marunong magbasa at magsulat. Ngunit sa loob ng pinaka-kinatatakutang piitan, naroon din ang pag-asa na sila ay matututo. Bukod sa pagkakaroon ng ALS or Alternative Learning System, maipagpapatuloy ng mga kosa ang kanilang pag-aaral hanggang kolehiyo sa loob. Sa tulong ng University of Perpetual Help Bilibid Extension School, maaari silang magtapos ng kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship.
 
Ngayong Mayo, dalawampu't limang kosa ang nagawaran ng diploma. Ang mga kwento ng kanilang pagpupursigi at pagbabagong loob, tunghayan sa Front Row, Lunes, ika-20 ng Mayo, pagkatapos ng Saksi.
 
 
 
 
 
(English version)
 
Many men brought into New Bilibid Prison don't know how to read and write. But inside the most feared penal facility, there is actually a chance for them to learn. In addition to the prison's ALS or Alternative Learning System, inmates can continue their studies to the tertiary level. Through the University of Perpetual Help Bilibid Extension School, they can graduate with a degree in Bachelor of Science in Entrepreneurship.
 
This May, 25 inmates earned their degrees. Listen to their stories of perseverance and how they changed their hearts on Front Row, May 20, 2019 after Saksi at GMA 7.
 
 
Tags: frontrow