Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Front Row'

Walong taong gulang na anak, mag-isang inaalagaan ang inang may sakit


BRONZE WORLD MEDAL, 2018 NEW YORK FESTIVALS
 
KARUGTONG NG BUHAY
May 6, Lunes ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA
 
 
Sinasabing sa sinapupunan pa lang, karugtong na ng buhay ng ina ang kanyang anak. Bibigyan niya ito ng kalinga mula sa pagsilang hanggang lumaki. Pero paano kung sa murang edad pa lang ng anak, ang ina ang mangailangan ng pag-aaruga?
 

Para sa walong taong gulang na si John Prince, gagawin niya ang lahat para madugtungan ang buhay ng kanyang inang may karamdaman.

Malusog at masayahin dati ang dalawampu’t siyam na taong gulang na si Michelle Binondo kasama ang kanyang asawa at anak na si John Prince. Pero noong taong 2017, ayon sa doktor na sumuri kay Michelle, parehong bumigay ang dalawang kidney o bato ni Michelle. Dagdag pa rito ang unti-unting paglaki ng kanyang puso kaya hirap na siyang maglakad at kinailangan na niyang gumamit ng wheelchair.
 
 
 
Sa gitna ng mahirap na sitwasyon, bigla na lamang daw silang iniwan ng kanyang asawa noong nakaraang taon. Dahil dito, tanging ang walong taong gulang niyang anak na si John Prince ang katuwang ni Michelle. Sa ilalim ng matinding sikat ng araw,  buong lakas na itinutulak ni John Prince ang wheelchair ng ina papuntang ospital para magpa-dialysis at sa simbahan para mamalimos.
 
Sundan ang buong kuwento sa dokumentaryong KARUGTONG NG BUHAY sa Front Row ngayong Lunes ng gabi, May 6 pagkatapos ng Saksi sa GMA 7!

 

Tags: frontrow