Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
'Front Row'

Bulag na ina, nagsisikap para itaguyod ang pamilya


BRONZE WORLD MEDAL, 2018 NEW YORK FESTIVALS
 
KAPAG NAPUNDI ANG ILAW
April 29, Lunes ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA
 
 
Sa kalsada ng Malabon at Caloocan City, makikita araw-araw si Nanay Analiza kasama ang kanyang mga anak para mangalakal ng basura. Bulag si Nanay Analiza kaya ang anak niyang sina James, labing dalawang taong gulang at Romeo Jr, apat na taong gulang, ang nagsisilbi niyang mga mata. Tirik man ang araw, balewala ito sa kanila dahil kailangang kumita para may ipambili ng pagkain. Hindi kasi sumasapat ang kita ng kanyang asawa na isang construction worker.
 
 
 
Tatlong taong gulang si  Nanay Analiza nang mabulag dahil sa komplikasyon ng isang sakit. Iniwan naman siya ng kanyang mga magulang kaya natuto siyang tumayo sa kanyang sariling mga paa. Hanggang sa makilala niya ang asawang si Mang Romeo. Biniyayaan naman  sila ng anim na anak pero binawian ng buhay ang isa dahil sa sakit na hydrocephalus.
 
 
Dagdag kalbaryo pa ngayon kay Nanay Analiza ang sitwasyon ng labing limang taong gulang na anak na si Melanie. Sa kanyang murang edad, nabuntis siya ng kaniyang nobyo.
 
 
Habang ginagawa ang dokumentaryo, biglang isinugod sa ospital si Melanie matapos duguin kung saan naging mapait ang sinapit ng sanggol.
 
Tunghayan ang  kwento ni Nanay Analiza sa dokumentaryong “KAPAG NAPUNDI ANG ILAW”, sa Front Row ngayong Lunes ng gabi, April 29, 2019 pagkatapos ng Saksi sa GMA.
Tags: frontrow