Batang walang mga kamay at braso, tampok sa 'Front Row'
Inihahandog ng Front Row
“ANG MGA PAA NI CIELO”
April 8, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA
Wala siyang mga kamay at wala ring mga braso. Pero sa kabila nito, hindi naging hadlang sa siyam na taong gulang na si Marcielo “Cielo” Sailog ang kaniyang kalagayan para mamuhay ng normal.
Gamit ang kanyang mga paa, nagagawang mag-isa ni Cielo ang maraming bagay na nagagawa ng karamihan. Siya ay nakakakain, nakakainom, nakakaligo at nakakatulong sa bahay.
Nag-aaral din si Cielo at kasalukuyan siyang nasa ikalawang baitang sa Galicia Primary School sa Madalag, Aklan. Sa eskuwela, tila isa rin siyang normal na mag-aaral. Gamit muli ang kanyang mga paa, nakakapagsusulat, nakakapagbasa at nakakaguhit si Cielo.
Sundan kung paano napagtatagumpayan ni Cielo ang laban sa buhay sa kabila ng kapanansanan sa Front Row ngayong April 8, Lunes ng gabi pagkatapos sa Saksi sa GMA!
English version:
“CIELOS’ FEET”
Nine years old Marcielo “Cielo” Sailog has no arms and hands. But Cielo has feet that can do many things for him. Through the help of his feet, Cielo can write, draw, read, eat, drink and even help in the chores. Having born without arms and hands, Cielo tries to live like a normal person using his feet.