Isang guro kasama ng apat niyang estudyante, tinatawid ang dagat para makapasok sa paaralan
SA PAGITAN NG DALAWANG ISLA
April 1, Lunes ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMASA PAGITAN NG DALAWANG ISLA
April 1, Lunes ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA
Hanggang saan ang kaya mong gawin at lakbayin para makapagturo at makapag-aral?
Sa bayan ng Dolores, Eastern Samar, itinatawid ng dagat ni Teacher Annie Fe ang kanyang apat na estudyante sa daycare mula sa isla ng Caybane papunta sa isla ng Hilabaan kung saan naroon ang kanilang maliit na silid-aralan. Umaabot sa halos dalawang kilometro ang kanilang nilalakad.
May nahihiram namang bangka si Teacher Annie pero marami na itong butas kaya sa ilang pagkakataon, nilalakad nila ang dagat sa pagitan ng dalawang isla.
150 pesos ang sahod ni Teacher Annie kada araw. Madalas siya pa raw ang bumibili ng gamit at pagkain para sa kanyang mga estudyante. Maliit man ang kita, balewala ito kay Teacher Annie lalo na tuwing nakikita niyang natututong magsulat at magbasa ang mga bata.
Ang mga grade 6 student na sina Izzy, Mark Ivan, Jed at Edzhil, nilalakad din ang dagat para makarating sa kanilang paaralan sa Hilabaan. Kwento nila, kapag malakas ang alon, may mga pagkakataong natatangay sila ng tubig.
Sa kabila ng hirap ng pagtawid, hindi nila ito alintana, dahil ngayong taon, magtatapos sila sa daycare at sa elementarya.