Triathlete na may kakaibang sakit sa leeg, kilalanin sa 'Front Row'
Inihahandog ng Front Row
KILOMETRO 113
August 20, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi
Dati pa man, mahilig na sa sports si Jirome de Castro. Varsity siya dati ng volleyball at di nagtagal, nagsimula na ring mahilig sa pagtakbo at paglangoy. Kaya nabagabag si Jirome nang malamang isang kakaibang sakit ang tumama sa kanya. Siya ay may cervical dystonia, ang tawag sa kondisyon ng 'di mapigilang panginginig sa leeg.
Sa kabila nito, hindi nagpatinag sa kanyang kondisyon si Jirome. Malaking tulong sa kanya ang triathlon dahil panandalian daw niyang nakakalimutan at nawawala ang sakit. Kamakailan, sumabak siya sa pinakamahaba at mahirap na karerang sinalihan niya - ang Ironman 70.3. Lumangoy, nagbisikleta, at tumakbo si Jirome ng distansyang 113 kilometro upang magbigay-kaalaman ukol sa dystonia at makapangalap ng pondo para sa ibang may ganitong kalagayan.
Sumabay sa kanyang karera ngayong August 20, Lunes ng gabi pagkatapos ng gabi pagkatapos ng Saksi.