Isang bata sa Leyte, kakaiba ang paglaki ng tiyan
Inihahandog ng Front Row
“LABAN NI LESTER”
Lunes ng gabi, August 13 pagkatapos ng Saksi sa GMA
Sa bayan ng Mayorga, Leyte, agaw-pansin ang walong taong gulang na si Lester dahil sa ‘di pangkaraniwang laki ng kanyang tiyan.
Hindi raw dati ganito ang tiyan ni Lester. Pero noong siya ay limang taong gulang, napansin ng kanyang pamilya na unti-unting lumalaki ang kanyang tiyan.
Dahil sa kanyang kondisyon, tumigil na sa pag-aaral si Lester. Ayon sa bata, kapag sumasakit ng husto ang kanyang tiyan, hindi niya na matiis ang hapding nararamdaman kaya minsan nasasambit niyang sana ay kunin na lamang siya. Sa kabila ng kanyang kalagayan, hangad pa rin ni Lester na makabalik sa eskuwela para matupad ang pangarap niyang maging doktor.
Ano nga ba ang sakit na gumupo kay Lester? Sundan ang kanyang kuwento sa Front Row ngayong Lunes ng gabi, August 13 pagkatapos ng Saksi sa GMA.
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us