Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Physics professor na agaw-pansin dahil sa kanyang itsura, tampok sa 'Front Row'


Ang Propesor

Maputi at mahaba ang balbas ang buhok, madalas nakasando o T-shirt na pinaparesan niya ng shorts. Ganito ang hitsura madalas ni Ruben Madridejos 65 taong gulang. Dahil sa kanyang hitsura sanay na siyang titigan ng mga nakakasalubong niya sa daan. Walang cellular phone at tanging email lang  ang kanyang ginagamit para sa  komunikasyon.

Pero lingid sa kaalaman ng mga nakakasalamuha niya, isang professor ng Physics sa Polytechnic University of the Philippines si Ruben. Nagtapos siya ng kanyang Masters' degree sa isang pamantasan sa Germany. Sa kabila nito mas pinili niya ang payak na pamumuhay.

Nakaranas daw siya ng diskriminasyon dahil sa kanyang hitsura at pananamit. Ngayong nag-umpisa na ang pasukan, ano kaya ang mga lekyson na kanyang ibabahagi sa kanyang mga estudyante? Ano kaya ang mga aral ng kanyang buhay ang ating matututunan? Matuto at humanga kay Prof. Madri ngayon Lunes pagkatapos ng Saksi.

Tags: plug