Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Magkakapatid na may kakaibang sakit sa buto, tampok sa 'Front Row'


Sa isang liblib na bayan sa Davao Oriental, nakatira ang tatlong magkakapatid na Omani - sina Imelda, 28 taong gulang, Elsa, 26 taong gulang at Jhonel, 17 taong gulang.

Lahat sila isinilang na may kakaibang kondisyon.

Unti-unting bumabaluktot ang kanilang mga buto kaya hindi na sila makalakad. Kailangan nilang maging maingat dahil madaling mabali ang kanilang mga buto.

Dahil sa kanilang kalagayan, hindi na sila makalabas ng bahay kaya ang isang maliit na bintana ang nagsisilbing daan para masilip nila ang labas.

Pero sa kabila ng kanilang kondisyon, pinipilit pa rin nilang mamuhay ng normal. Si Imelda at Elsa, tinuturuan ang bunsong kapatid na si Jhonel na makapagbasa at makapagsulat.

Tumutulong din sila sa ilang gawaing-bahay.

Ni minsan, hindi pa natitingnan ng doktor ang magkakapatid.

Ano nga ba ang dinaranas ng magkakapatid?

Abangan ang kanilang kwento sa dokumentaryong “Dupok” sa "Front Row" ngayong Lunes, June 18 pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.

Tags: plug