Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Guro na nagkaklase sa ilalim ng tulay, kilalanin sa 'Front Row'


Inihahandog ng Front Row
“SA ILALIM NG TULAY”
June 11, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA

Kadalasang tambayan ang ilalim ng tulay sa Barangay La Huerta sa Paranaque City. Lugar kung saan nagkukuwentuhan ang drayber ng mga padyak, naglalaro ang mga bata  at nagsusugal ang iba ng bingo, tong its o cara y cruz. Pero pagsapit ng Sabado, ang tambayan, nagiging silid-aralan.

25 taong nang nagtuturo sa pampublikong paaralan si Titser Fe Lustañas.  Mula Lunes hanggang Biyernes, siya ay guro sa La Huerta Elementary School. Pero tuwing Sabado, siya naman ay nasa ilalim ng tulay sa La Huerta. Kasama ni Titser Fe ang ibang volunteer para turuan at linangin ang kaisipan ng mga batang mula sa mahihirap na pamilya sa lugar.

Samahan si Titser Fe “Sa Ilalim ng Tulay” sa Front Row ngayong Lunes, June 11 pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.

Tags: plug