Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga fitspiration, tampok sa 'Front Row'


FITSPIRATION

MAY 14, 2018

Bihasa na sa larangan ng beauty pageant ang dalawmpu’t anim na taong gulang na si Rosantonette o Rosan. Pero noong taong 2013 hindi na niya napansing tumataba na siya. 

Umabot daw sa 189 pounds ang kanyang timbang hanggang sa nagdesisyon siyang magpapayat at napabilang sa 2018 Bb. Pilipinas candidates. Ngayon, nasa 132 pounds na lamang ang kanyang timbang.'

Nakilala naman noon bilang matabang komedyante ang apatnapu’t isang taong na si Bearwin Meily. Nasa 205 pounds ang inabot niyang timbang noon. Pero noong 2008, nagdesisyon ding magpapayat si Bearwin. 

Nagbunga ang kanyang pagsisikap at naibaba niya sa 170 pounds ang kanyang bigat.  Minsan pa ngang naging viral ang kanyang mga litrato sa social media dahil sa matipuno na niyang pangagatawan.

Ano nga ba ang kanilang sikreto sa ginawa nilang transformation?

Sundan ang mga kasagutan sa "Front Row" ngayong Lunes, May 14 pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.