Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga batang namamangka makapasok lang sa paaralan, kukumustahin sa 'Front Row'


Inihahandog ng Front Row
“Bangka ng Pag-asa”
April 16, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi

Butas, luma at delikado. Ganito ang maliit na bangkang sinasakyan ng magkapatid na Jomar at Janmart nang ibinahagi ng Front Row ang kanilang kuwento noong nakaraang Nobyembre.

Si Jomar ang taga-sagwan samantalang taga-limas naman ng mga pumapasok na tubig sa bangka si Janmart. Araw-araw, ito ang sinusuong nilang peligro marating lamang ang paaralan.

Limang buwan matapos maipalabas ang kanilang kuwento, may bagong bangka na sina Jomar at Janmart. Bago, walang butas, mas ligtas.

Tunghayan ang muling pagsagwan ng magkapatid sa dokumentaryong “Bangka ng Pag-asa” ngayong Lunes, April 16 pagkatapos ng Saksi sa GMA!

Tags: plug