Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Pamilyang kumikita sa mga pesteng ibon, tampok sa ‘Front Row’


Inihahandog ng Front Row
“Pamilya Bambanti”
February 26, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi

Sa isang liblib na lugar sa Isabela, peste kung ituring ng ilang magsasaka ang mga ibong maya na nangangain daw ng kanilang mga pananim.

Ito ang dahilan kaya naisip ng ilang residente na huliin at pagkakakitaan ang mga ibon.

Iba’t ibang tunog ang sinisipol ni Mang Bartolome upang akitin ang mga maya. Natutunan daw niya ito dahil sa tagal na niyang nakaririnig at nakakakita ng iba’t ibang uri ng ibon sa bukid.

Ito na rin ang nakagisnan na hanapbuhay ng dalawang anak ni Mang Bartolome. Kapag walang pasok sa eskuwela, kasama niya ang anak na si Bartolome III sa panghuhuli ng mga ibon habang ang bunsong anak ang tumutulong sa pagkukulay ng mga balahibo ng ibon bago ibenta. Ang misis na si Aling Lita - nakatoka naman sa pagsasaayos ng hawla na paglalagyan ng mga ibon.

Tunghayan ang kwento ng "Pamilya Bambanti" sa "Front Row" ngayong February 26, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA!