Pinakamatandang mag-aasin sa Pangasinan, kilalanin sa 'Front Row'
“Ang asin at si Lola Marcela”
February 5, Lunes ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA
Sa edad na walumpung taong gulang, si Lola Marcela ang pinaka-matandang mag-aasin sa bayan ng Dasol, Pangasinan.
Mula nang siya’y magkaisip hanggang magkapamilya, pag-aasin ang kanyang naging kabuhayan. Para kay Lola Marcela, asin ang buhay niya.
Sa gitna ng tirik na araw, tinitiis ni Lola Marcela ang init at hapdi sa balat. Sa loob ng halos pitong dekada, asin ang bumuhay sa kanya at sa kanyang walong anak.
Pero kung wala naman daw benta, napipilitan silang magdildil ng asin.
Sa kabila ng kanyang edad, patuloy pa rin siya sa pagkayod at parang wala siyang kapaguran. Ayon sa kanya, manghihina siya kapag tumigil sa pagbabanat ng buto.
Sundan ang dokumentaryong “Ang Asin at si Lola Marcela,” sa "Front Row" ngayong Lunes ng gabi, February 5, 2018 pagkatapos ng Saksi sa GMA.