Estudyanteng pumapasok gamit ang saklay, tampok sa 'Front Row'
“BAGONG PAA, BAGONG PAG-ASA”
January 8, 2018
Lunes ng gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA
Isinilang na putol ang kanang paa ni Esmelyn, sampung taong gulang. Ang katuwang niya sa paglalakad- isang lumang saklay.
Sa kabila ng kanyang kondisyon, desidido si Esmelyn na makapagtapos ng pag-aaral. Araw-araw, nasa dalawang kilometro ang nilalakad ni Esmelyn papasok sa eskwelahan.
Minsan, tampulan man siya ng tukso ng iba, mas marami pa rin sa kanilang lugar ang humahanga sa kanyang determinasyon. Para sa kanya, hindi hadlang ang anumang kapansanan para makamtan ang mga pangarap at makatulong sa pamilya.
Nakarating sa lokal na pamahalaan ng Quirino Province ang kuwento ni Esmelyn. Kaya katulong ang isang non-government organization na gumagawa ng mga prosthesis o mga artipisyal na paa, sinimulang sukatan si Esmelyn.
Ang kanyang bagong paa, hatid daw ay panibagong pag-asa.
Sundan ang isa na namang makabuluhang dokumentaryo sa "Front Row" ngayong Lunes ng gabi, January 8, 2018 pagkatapos ng Saksi sa GMA.