Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga batang naninisid ng barya sa ilog, tampok sa 'Front Row'


Inihahandog ng Front Row
“SA PUSOD NG ILOG”
September 25, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA

Sa isang tulay sa Tondo, Maynila nakikipagsaparan sina John Michael Andeza labindalawang taong gulang. Kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Miguel, Cyle, Harold at JB, pinagtitiyagaan nilang kapain at languyin ang madumi, maitim at malawak na ilog malapit sa kanilang tirahan.

Kapalit ng paglusong sa maruming tubig ay kaunting barya na pinambibili nila ng pagkain at pambaon sa eskwelahan. Ito na rin ang nagsisilbing kanilang palaruan.

Ngunit hindi tulad sa kaniyang mga kasama, kakaiba si John Michael sa kanila. Walang pusod si John Michael. Halos dalawang taon na ang nakalilipas nang maoperahan sa bituka si John Michael dahil daw sa maruming tubig na kanyang naiinom sa ilog kapag lumalangoy. Pero sa kabila nito, patuloy pa rin sila sa paglangoy kapalit ng kaunting mapagkakakitaan.

Tunghayan ang dokumentaryong “Sa Pusod ng Ilog” sa Front Row ngayong September 25, 2017, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi.

Tags: plug, ilog, sisid