Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Lalaking nagpipinta kahit walang mga kamay, kilalanin sa 'Front Row'


Inihahandog ng Front Row
“MGA OBRA NI LINO”
September 11, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA

Maliit ang kanyang mga braso at wala siyang mga kamay. Pero sa kabila nito, hindi naging hadlang sa visual artist na si Lino Venzal upang ipamalas ang angking talento sa pagpinta at pagguhit. Nakamamangha ang kanyang galing, kaya niyang mag-watercolor painting, charcoal at pastel drawing.

Umabot na sa mahigit tatlong daang paintings at charcoal drawings ang mga obra ni Lino.

Ipinanganak na may mga kamay si Lino pero dahil sa isang aksidente, kinailangang putulin ang dalawa niyang kamay. May asawa at dalawang anak si Lino na nagbibigay sa kanya ng insipirasyon para paghusayin ang pagguhit at pagpinta.

Mamangha sa kahusayan ng Mga Obra ni Lino sa Front Row ngayong September 11, Lunes ng gabi pagkatapos sa Saksi sa GMA!

Tags: plug