Pamilyang nakatira sa kuweba, kikilalanin sa 'Front Row'
Inihahandog ng Front Row
Tahanan ni Juan
July 24, Lunes ng gabi pagkatapos ng Saksi
Sa gitna ng kagubatan sa isang burol sa Sipocot, Camarines Sur, matatagpuan ang isang maliit na kuweba. Dating lungga ng mga sawa at paniki, pero ito ang nagsalba sa pamilya ni Juan Garaña at ng dalawa niyang anak na sina Juan Jr.at Jayson.
Taong 2014 nang wasakin ng bagyo ang tirahan nilang mag-aama. Sa kuweba, nagpasya si Juan na lumipat habang nag-iipon para sa panibagong tirahan. Inayos at ginawan niya ng paraan na maging isang tirahan ang kuweba para sa kanyang dalawang anak. May tulugan, upuan at lamesa sa labas na tila nagsilbing sala.
Isang single parent si Juan na isang magsasaka at manggugubat. Mula pa nang noong sila’y sanggol, siya na ang nagpalaki sa mga bata.
Tunghayan kung paano ginawang tahanan ng isang ama ang isang malamig na kuweba para sa kaniyang munting pamilya sa Front Row ngayong Lunes ng gabi, July 24 pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.